Skip to main content

SIBIB Goes to San Jose

SERVICIO INTERON BABALI IGAWANG SA BARANGAY (SIBIB)
Sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang, ang Lokal na Pamahalaan ng Anda ay naghatid ng serbisyo publiko sa ating mga kabarangay sa San Jose. Mainit ang naging pagtanggap ng ating mga kababayan sa hatid na serbisyo ng ating pamahalaan dahil tayo mismo ang naglapit at nagdala ng mga basic services sa baryo.
Nagbigay po tayo ng libreng mga gamot, konsultasyon medikal, pagbabayad ng RP Tax, cedula, mga serbisyo ng bawat departamento, at nagkaroon din po tayo ng open forum na nagbigay linaw sa mga katanungan ng ating mga kababayan.
Nais po naming pasalamatan ang San Jose Barangay Council na pinapangunahan ni PB Anthony Armington kasama ang kanyang mga konseho, tanod, at BHW.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa IDAP tan INUM-AY
[ngg src=”galleries” ids=”722″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan