Skip to main content

SIBIB GOES TO TONDOL

SERVICIO INTERON BABALI IGAWANG SA BARANGAY (SIBIB)
Nagtungo ang Lokal na Pamahalaan ng Anda sa Barangay Tondol upang dalhin ang SIBIB sa ating mga kabarangayan.
Kasama ng ating minamahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ang Sangguniang Bayan ng Anda na pinamumunuan ni Vice Mayor Erwin Catabay, mga department heads ng iba’t ibang opisina sa ating munisipyo at mga National Government agencies na naghatid ng mga serbisyo sa ating mga kababayan.
Nakapagbigay po tayo ng serbisyo medikal, gaya ng libreng check up at gamot, pagbabayad ng mga amelyar sa lupa, pagkuha ng cedula, at libreng mga konsultasyon sa mga serbisyo ng ating lokal na pamahalaan.
Maraming salamat po sa Tondol Barangay Council na pinangungunahan ni PB Oscar C. Flores sa inyo pong mainit na pagtanggap sa programang SIBIB na nais ipaabot ang serbisyo sa lahat ng mamamayan ng Anda.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Kaaluyon sa IDAP tan INUM-AY
[ngg src=”galleries” ids=”738″ display=”basic_thumbnail”]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan