Skip to main content

Talakayan patungkol sa mga insidente ng rape

Nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang at ang ating Sangguniang Kabataan Federation President Novashei Celeste at ng ating kapulisan na si Mam Janet Orlanda upang talakayin ang mga insidente ng rape sa ating bayan. Karamiham sa mga biktima ay mga menor de edad kung kaya nais ng ating mahal na Mayor Jogz na paigtingin pa lalo ang kampanya para matuldukan na ang mga rape cases sa ating bayan. Ang ating mga kasangga sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa ating bayan, sa pangunguna ng ating Anda COP Pmaj. Resty Ventenilla, ay puspusan ang ginagawang mga barangay consultation, tarpaulin hanging campaign againts rape,at house visitation. Pinayuhan ng ating Mayor Jogz ang ating SKFP Vash Celeste na magkaroon ng information dessimination sa mga kapwa nya SK Chairman upang maishare sa social media ang mga kampanya laban sa Rape, at mabigyan ng payo ang ating mga kabataan na huwag gumawa ng mga gawaing labag sa batas. Mas maigi na ang makahiligan Ang mga sports upang madivert ang kanilang atensyon sa pagpapalakas ng kanilang Katawan, at makaiwas sa mga masasamang Gawain.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
[ngg src=”galleries” ids=”571″ display=”basic_thumbnail”]
 
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan