Skip to main content

The Mission to Seafarers

Isang karangalan po para sa ating ama ng Bayan ng Anda ang makadaupang-palad ang The Mission to Seafarers na isang NGO na kumakalinga sa ating mga sea-based na OFW sa buong mundo. Ang grupo ay pinangungunahan ni Mam May Servanez Jose, Programme Coordinator- The Mission to Seafarers-Philippines.
Noong 2017, mayroon na po silang nabuong grupo sa ating bayan, partikular sa Barangay Carot, ngunit dahil sa pandemya ay natigil po ang organisasyon dito sa ating bayan. Kaya naman ngayon po ay muling binuo ito upang muling maging aktibo ang samahan ng mga seaman dito po sa ating bayan. Matatandaang ang ating mahal na Mayor ay isa din pong dating seafarer, kaya po malapit ang puso nito sa mga kapwa nya OFW.
Maraming salamat po, The Mission to Seafarers, God bless you po at welcome po sa Bayan ng Anda
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
[ngg src=”galleries” ids=”533″ display=”basic_thumbnail”]
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan