
Training Induction Program ng TESDA Pangasinan School of Arts and Trades
Sa TESDA Abot Lahat!
Isang ngiting tagumpay at puno ng pag asa ang naidaos na Training Induction Program ng TESDA Pangasinan School of Arts and Trades para sa ating TESDA hopeful scholars mula sa sa sektor ng repatriated OFWs, displaced workers at solo parents. Ang mga Training Courses na para sa ating napiling Kababalyan ay Automotive Servicing NC I, Agriculture Production NC II at Bread and Pastry NC II. Ito ay bunga din ng pagmamalasakit ng butihing Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang na magkaroon ng sapat na training skills ang kanyang Kababalyan kaya sa pakikipagugnayan niya sa TESDA kasama sina Councilor Marvin Charles Caranay-Committee on Labor & Employment at Ms. Danae F. Cervera-Labor & Employment Officer ng Anda LGU at sa gabay ni Ms. Elizabeth Tomas-Municipal Agriculturist at Chairperson sa Livelihood, nabigyan ng tatlong trainings ang ating bayan sa pagsang-ayon ni Mr. Romeo C. Pandio, Training Instruction Supervisor ng TESDA PSAT.
Lubos ang aming pasasalamat sa pamunuan ng TESDA at PSAT sa free trainings na dadalhin dito sa ating bayan bilang hudyat ng pag arangkada ng ating mga scholars tungo sa isang progesibong Anda kahit sa panahon ng Pandemya.
#ArangkadaANDA
#WeHealAsOne
#BatangIsla