Skip to main content

TUPAD Orientation (Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers)

Isang matagumpay na TUPAD Orientation (Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ang ginanap kabilang ang 258 na beneficiaries ng ating bayan bilang bahagi ng programa ng Department of Labor and Employment katuwang ang opisina ni Senator Imee Marcos.
Ipinaabot ni Mayor Joganie C. Rarang ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa DOLE sa walang humpay na pagsasakatuparan ng mga programang nakakatulong sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office.
Layunin ng programa na matulungan ang mga nasa impormal sektor na magkaroon ng pansamantalang trabaho lalo pa ngayong panahon ng pandemya upang makatulong sa kanilang pamilya at maging sa komunidad.
Katuwang sa nasabing aktibidad sina Senior Labor and Employment Officer Mel Gaspar ng DOLE Western Pangasinan Field Office, TUPAD Coordinator Kem Solis Caasi, Anda LGU PESO Manager Danae F. Cervera, Fomer Councilor Reymon Rarang na kinatawan ni Mun. Councilor Erwin Catabay, mga Sangguniang Bayan members at Liga President Leopoldo Carolino Jr.
#ArangkadaAnda
#BatangIsla

[ngg src=”galleries” ids=”374″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan