Skip to main content

Umarangkada ngayong araw ang Pediatric Vaccination Drive sa Bayan ng Anda


Umarangkada ngayong araw ang Pediatric Vaccination Drive sa Bayan ng Anda para sa ating mga anak na edad 5-11 taong gulang. Pinangunahan ng ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ang nasabing gawain kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, at ang ating mga kasangga sa kalusugan, ang RHU-ANDA na pinangungunahan ng ating MHO, Dr. Gillen Vuelta.
Ang mga bakuna kontra sa COVID-19 ay libre, ligtas, at epektibo, kaya tayo na pong magRESBAKUNA KIDS para ang bawat batang isla ay protektado!
#ArangkadaANDA
#BatangIsla

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan