Skip to main content

Water Search and Rescue operation

Water Search and Rescue operation para sa nawawalang mangingisda na si Winter Aquino na taga Barangay Carot, Anda, Pangasinan. Kasama ng ating Mayor Joganie Batangislajogz Rarang ang mga trained WASAR Team ng LDRRMO, PNP Maritime, Philippine Coast Guard, Anda PNP, Carot Barangay Council, Bantay Dagat at mga kamag-anak ng nawawalang mangingisda.
Ginalugad at sinuyod ng ating Rescue Team ang karagatan hanggang sa may teritoryo ng La Union ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa rin po nahanap ang ating kababayan. Kung sino man po ang makakakita kay Ginoong Winter Aquino, makipag-ugnayan po sana tayo sa LGU-Anda at sa mga kamag-anak po niya.
#ArangkadaANDA
#BatangIsla
Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan