Skip to main content

World Aids Day Celebration

Naisagawa po sa ating bayan ang world aids day celebration nitung Ika-11 ng Disyembre, 2020. Ito ay bilang pag-alala sa ating mga kababayan na nabubuhay na nakikipaglaban sa isang malupit na sakit at para na din sa pag- alala sa mga pumanaw dahil sa sakit na AIDS.Nananawagan po ang ating mahal na Mayor Joganie Batangislajogz Cardona Rarang, na kahit po tayo ngayon ay nasa gitna ng pandemya ng COVID-19, huwag din po nating kalimutang mag iingat upang makaiwas po tayo sa virus na nagdudulot ng AIDS. Makipagtulungan po tayo sa ating Lokal na Pamahalaan ng Anda upang tuluyang masugpo ang sakit na ito.
Maraming Salamat po sa RHU ANDA sa pangunguna po ng ating mahal na MHO Dr. Gillen Vuelta, PHN mam Grace Chiong at sa lahat po ng staff ng ating RHU, sa inyong walang sawang dedikasyon at pangangalaga ng kalusugan ng bawat mamamayan ng Bayan ng Anda
Let’s End AIDS now!

[ngg src=”galleries” ids=”229″ display=”basic_thumbnail” thumbnail_crop=”0″]

Official Website of Anda Municipality, Province of Pangasinan